Yaman din lang na ang Agosto ay hinirang na buwan ng wika at hinimok ni National Artist (di na ito isasalin sa tagalog dahil ito naman ang tawag sa karangalan na ito. Isa pa hindi naman artista dahil manunulat si) Ginoong Virgilio Almario, ang nangungulo ng Komisyon sa Wikang Pambansa na sumulat din sa fb sa wikang pambansa ngayong buwang ito ay minarapat ko na sumulat naman sa sariling atin. Awit nga ni Florante o sabi ni Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda. Sa isang tubong waray na mahilig sa isda, maaamoy ang ibig nilang sabihin. Ngunit dahil nga sa waray, ipagpaumanhin na lang kung ang tagalog ko ay hindi gaanong matinik.